Lumipas na ang isang buwan nang ako'y mapadpad sa lugar na ito. Mahirap. Nakakapagod. Nakakubos ng lakas - at laman ng bulsa. Pero kahit papaano, nagawa pa ring lumaklak. Oo, maglaklak ng alak. Kahit pala gaano kahirap ang mga bagay bagay, basta may beer, solve na ang lahat.
Kaya lang, syempre, dahil ibang lugar, may iba ring nakasanayan. Napansin ko dito na hindi uso ang tagay system - as in yung bibili ka lang ng isang litro at may iibang baso na pagsasaluhan ng kahit sampung tao (na minsan naiisip at ipinagdadasal ko na sana naman walang sakit ang mga kasama ko).
Ano yung uso? Bote. Tig-iisang bote kayo at bahala nang magdagdag ng kahit ilang bote kung gusto mong maging bangag. Mahal yun.
Wala dito yung paborito kong style na tagayan. Na kahit palipatlipat ka lang ng mesa, may iaabot sayong baso ay malalasing ka na. Yun ang style ko. Mura at masaya na, lasing ka pa.
Ang mas lalong bago at mahirap sakin ay dapat may iaabot akong pambayad. Hindi pwede ang pass pero pwedeng umutang. Siguraduhin lang na may pambawi sa susunod na sahod. Hindi pwede dito ang style ko mula pang highschool na hahabol lang kuno, magsi-CR or kaya maagang uuwi. Walang excuse dito kasi lahat din naman kami sumasahod. Kaya lang ang masarap na inuman kasi sakin ay yung kahit piso wala akong dala, pero sa huli sabay tawa, iyak at suka na pag-uwi. Kaya kahit pamasahe ay sagot na ng mga kaklase ko dati.
No comments:
Post a Comment